Nanganganib na mawalan ng alokasyon ng libreng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Pilipinas mula sa Covax facility ng World Health Organization (WHO).
Ito ang inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing matapos magpabakuna ang ilang alkalde na hindi naman mga kasama sa priority list na makatanggap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine.
Paliwanag ni Densing, ilan kasi sa mga ginamit ng alkalde na bakuna ay AstraZeneca mula sa Covax facility ng WHO kung saan may nilagdaang kasunduan na dapat sundin ang listahan ng mga prayoridad na mabakunahan.
Ani Densing, tatlong beses ng nakatanggap ng warning ang Pilipinas dahil sa mga paglabag na ito.
Kung magtutuloy-tuloy pa aniya ito posibleng bawiin ng WHO ang alokasyong libreng bakuna sa Pilipinas at ibigay muna ang mga ito sa ibang mahihirap na bansa.
Tatlong beses nang nag-warning ang WHO sa atin na pag hindi tayo sumunod sa pinag-usapan na napirmahang ddokumento, kung sino ang uunahing mabakunahan, mafo-force sila na ibigay nalang sa ibang bansa muna [ang mga bakuna],” ani Densing. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais