Nanganganib ang Pilipinas na makauwi ng mas maraming medalya sa 2023 Southeast Asian Games.
Kasunod ito ng pagsasapinal ng Cambodia sa 608-events at 49-sports program para sa 32nd Sea Games na itinakda sa May 5 na tatagal naman hanggang 16 sa susunod na taon.
Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Rep. Abraham Tolentino, nilimitahan lang sa pitumpung porsyento ang mga events sa sports ng mga bansang lalaro sa naturang torneyo.
Sinabi ni Tolentino na tanging ang host nation lamang ang maaaring magpuno ng 100 percent participation sa combat sports o martial arts.
Dahil dito, nagbigay ng payo si Tolentino sa mga atleta, na tutukan ang kanilang pagsasanay para makuha ang mas maraming karangalan para sa Pilipinas.