Nasungkit ng Pilipinas ang may pinakamaraming bilang ng mga nag-volunteer para maglinis ng karagatan at ilog sa nakalipas na taon.
Batay ito sa inilabas na ulat ng Ocean Conservancy 2020 kaalinsabay ng pagdiriwang ng International Coastal Cleanup Day ngayong araw na ito.
Sa nasabing report, aabot sa mahigit 280,000 mga Pilipino ang nakilahok para tumulong sa paglilinis ng mga tabing dagat at ilog sa buong bansa.
Habang umabot naman sa mahigit 8,200,000 piraso ng basura ang nakolekta sa iba’t-ibang dalampasigan.
Bukas naman, Setyembre 20 ay sama-sama muling lilinisin ng mga Pilipino ang mga dalampasigan kaya’t umapela ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na makiisa sa nasabing aktibidad.