Nanguna ang Pilipinas sa may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng HIV infection sa Asia-Pacific countries mula 2010 hanggang 2016.
Batay sa datos ng UNAIDS o United Nations programme on HIV and AIDS ngayong 2017, tumaas ng isandaan at limampung porsyento ang kaso ng HIV infection sa bansa kung saan noong 2005, naitala ang mahigit 1,000 kaso na umakyat sa 4,300 noong 2010 at pumalo na sa 10,000 noong nakalipas na taon.
Sumunod naman sa Pilipinas ang Sri Lanka, Afghanistan, Pakistan, Papua New Guinea, Bangladesh at Australia.
Iniulat din ng UNAIDS na bumababa ang kabuuang bagong kaso ng naturang sakit sa buong mundo ngunit malayo pa rin sa kanilang target sa 2020.
By Meann Tanbio
Pilipinas nanguna sa may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng HIV sa Asia-Pacific countries was last modified: July 23rd, 2017 by DWIZ 882