Nanguna ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang pinakamagandang mamuhunan at pang-apatnapu’t siyam sa overall standing sa 2018 Best Countries Report ng US News.
Ayon sa US News, patuloy ang pag-unlad at pangunguna ng Pilipinas kumpara sa ibang mga bansa sa rehiyon dahil sa matatag ang ekonomiya sa kabila ng mga kinahaharap na problemang politikal.
Binanggit din sa report ang patuloy na pagsusumikap ng pamahalaan para matugunan ang problema sa unemployment at mabilis na paglaki ng populasyon sa bansa.
Dagdag pa dito, nananatili rin anila ang maganda ang performance ng Pilipinas sa kabila naman ng pagbaba ng mga pumapasok na foreign direct investments sa Southeast Asia.
Inaasahan din ang mas maraming investments papasok sa bansa mula sa mga malalaking bansa tulad ng China.
Nakabatay ang 2018 Best Countries Report sa walong factors tulad ng korapsyon, katatagan ng ekonomiya, pagtatayo ng negosyo, tax environment, human resources at teknolohiya ng isang bansa.
—-