Nangunguna pa rin ang Pilipinas sa larangan ng football sa timog silangang Asya.
Batay sa latest FIFA rankings, napanatili ng Pilipinas ang pwesto nito sa ika-112 kasama ang bansang Iraq.
Ang karibal ng Pilipinas na bansang Thailand ay pang-127 lamang sa world rankings.
Samantala, sa kabuuan, nangunguna pa rin sa FIFA rankings ang Argentina na sinundan ng Brazil, Germany , Chile at Belgium.
Ang African champion naman na Cameroon ay tumalon na sa ika-29 na puwesto ng FIFA rankings mula sa dating ika-33 puwesto.
By Ralph Obina