Nangunguna pa rin ang Pilipinas sa Southeast Asian (SEA) Games.
Hanggang kaninang 8 p.m. (December 5) ay nasa 63 na ang gold medals ng Pilipinas, 45 silver at 34 na bronze medals.
Ngayong araw na ito ay binuksan na ang makasaysayang pagiging bahagi ng e-sports sa SEA games.
Ang babanderang laro sa e-sport ay Mobile Legend, Heartstone, Starcraft, Arena of Valor, Dota2, at Tekken 7.
Hahatiin ang torneo sa mga kategoryang PC games, console, at mobile games.
Ang official e-sport team ng Pilipinas ay pinangalanang team Sibol na binubuo ng 24 na miyembro.