(Business)
Nangunguna ang Pilipinas sa Asya sa larangan ng “budget transparency” para sa taong 2017.
Ayon sa Department of Budget and Management o DBM ito ang lumabas sa Open Budget Survey na isinagawa ng International Budget Partnership.
Nakatanggap ng 67 out of 100 ang Pilipinas para sa nakaraang taon na mas mataas ng tatlong puntos noong 2016 kung saan nakakuha lamang ang bansa ng 64 points.
Ang OBS ay nag-aaral kaugnay sa budget transparency ng isang bansa batay sa halaga at kung napapanahon ang impormasyon hinggil sa pondo na isinasapubliko ng gobyerno.
Samantala pumangalawa sa Pilipinas ang Indonesia na nakakuha ng 64 points, Jordan na may 63 points, Japan at South Korea na kapwa nakakuha ng 60 points.
—-