Nangunguna ang Pilipinas sa “Most disaster ready” Mula sa 142 bansa sa buong mundo.
Batay sa Lloyd’s Register Survey, nanguna ang Pilipinas na may kahandaan pagdating sa mga kalamidad o sakuna o “May disaster plan” Na nakakuha ng 84%; sinundan ng Vietnam 83%; Cambodia 82%; Thailand 67%; at Estados Unidos na nasa 62%.
Matatandaang lumabas din sa isang survey na kabilang ang Southeast Asia sa mga rehiyong prone sa matinding sakuna subalit pinakamahusay din sa pagtugon sa mga ito.
Isinagawa ang face to face survey sa 142 bansa na may tig- 2,000 respondents.