Nangunguna ang Pilipinas sa naitalang may pinakamaraming tambay o walang trabaho sa mga magkakalapit na bansa sa Asya.
Sa report ng Congressional Policy and Budget Research Development (CPBRD), nanguna ang Pilipinas sa mga bansang tulad ng Indonesia, Malaysia, Singapore, South Korea, Thailand at China pagdating sa unemployment rate.
Pinakamataas ang 6.5% unemployment rate ng bansa as of July 2015.
Ayon sa report ng CPBRD bagama’t nabawasan ito ng 0.02% kumpara noong Hulyo 2014 na umaabot sa 6.7% unemployment rate.
Dahil dito, umaabot pa rin sa 2.72 milyong mga Pinoy ang walang kayod sa unang pitong buwan ng taong kasalukuyan at posibleng mas malaki pa ang inaasahang bilang ng mga ito dahil hindi isinama sa report ang Leyte na sinalanta ng super typhoon Yolanda noong 2013.
Pinamataas na bilang ng mga walang trabaho ay edad 15 hanggang 24 anyos, na nagtala ng 50.4% habang 29% naman ang walang trabaho sa edad na 25 hanggang 34.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: globalnationinquirer.net (AFP file photo)