Nangunguna ang Pilipinas sa mga bansang nagbababad sa paggamit ng social networks.
Batay sa datos ng GlobalWebIndex, karaniwang nagtatagal ng mahigit sa apat na oras sa social networks sa ordinaryong araw ang mga Pinoy.
Pumapangalawa sa Pilipinas ang Nigeria na nagtala ng mahigit tatlong oras at kalahati, Mexico, Turkey, Russia, India, China, U.S.A., United Kingdom, Spain, France, Germany at pinakahuli ang Japan.