Nangunguna ang Pilipinas sa mga bansa sa mundo na pinakababad sa paggamit ng internet.
Batay ito sa inilabas na Digital 2019 Report ng Social Media Form Hootsuite at We Are Social.
Sa ginawang pag-aaral, umaabot sa sampung (10) oras ang average na oras na online ang mga Pinoy kumpara sa siyam (9) na oras at dalawampu’t siyam (29) na minuto noong taong 2017.
Pangunahing binababaran ng mga Pinoy ang social media sites sa average na apat na oras at labing dalawang (12) minuto kada araw.
Pinakamadalas naman na ginagamit ng mga Pilipino para maka – access sa world wide web ay ang mobile internet data.
Noong taong 2017, Thailand ang siyang may hawak na titulo sa mga bansang pinakababad sa paggamit ng internet.
—-