Naniniwala pa rin ang gobyerno ng Pilipinas na walang masamang intensyon ang China kahit pa inamin na nito ang resonableng pagpapalawak ng teritoryo sa South China Sea.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque Junior, mahalagang malaman kung saan partikular ang ipinagagawa ng China dahil hindi naman inaangkin ng Pilipinas ang kabuuan ng pinag aagawang teritoryo.
Sa ulat ng China’s National Maritime Data and Information Service, lumawak na ng 290,000 metro kwadrado ang construction project ng China kasama na ang mga radar facility nito.