Pasok ang Pilipinas sa mga bansa kung saan naitala ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) ang mataas na bilang ng mga kabataang drop out sa klase.
Ito ay matapos lumabas sa pag aaral ng US Agency for International Development na tumaas ng mahigit 25% ang bilang ng out of school youth sa Pilipinas nuong April 2020 mula sa halos 17% lamang nuong January 2020 o halos tatlong buwan lamang ang pagitan.
Ipinabatid ng Department of Education na nasa 1.1-M students ang hindi nag enroll sa school year 2020-2021 bagamat tumaas sa 27.2-M enrolees ang nagparehistro nuong november 2021 na mas mataas ng halos apat na porsyento sa 26.2-M enrolees na naitala sa school year 2020-2021.
Sa nasabing school year anito pinairal ang maraming lockdowns dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Kasabay nito, inihayag ng DepEd na maglalabas ito ng learning recovery plan para tugunan ang mga naging problema sa education set up ng bansa ngayong pandemya.