Tuluyan ng napag-iiwanan ang Pilipinas sa LTE o Long Term Evolution internet connection ayon sa pinakabagong pag-aaral na isinagawa ng research firm na OpenSignal mula July 1 hanggang October 1 ngayong taon.
Batay sa ulat ng OpenSignal kaugnay sa LTE connectivity sa kabuuang bilang na 77 na bansa pang 74 ang Pilipinas sa bilis ng LTE connection na may average speed lamang na 8.24 megabytes per second.
Ang LTE ay isang 4G o 4th generation mobile type ng teknolohiya na naghahatid ng pinakamabilis na mobile internet experience at mas mabilis ng sampung beses sa nauna nang 3G.
Pang rank 69 naman ang Pilipinas sa 4G availability.
Samantala, nangunguna naman ang South Korea sa LTE availability na may 96.69 percent na sinundan ng Japan na may 94.11 percent.
—-