Napili ang Pilipinas bilang 50th best country in the world sa isang global survey ng mahigit 21,000 katao.
Ibinase ang survey sa pagtingin ng international community na kumikilala at humuhubog sa mga bansa tulad ng trade, travel, investment, at iba pa kabilang ang human rights, gender equality, religious freedom at environment.
Isinagawa ang survey ng US state department sa 180 bansa sa tulong ng US News and World Report, Wharton School ng University of Pennsylvania at global marketing communications company na VMLY and R.
Nananatili ang Switzerland bilang number 1 sa nakalipas na tatlong taon na sinundan ng Japan, Canada, Germany at United Kingdom.
Magugunita noong isang taon nang makapasok ang Pilipinas sa ika-apatnapu’t siyam na puwesto.