Iginawad na ng Asian Swimming Federation (AASF) ang hosting rights ng 11th Asian Swimming Championship (ASC) sa Pilipinas.
Ayon kay AASF secretary general Taha Bin Silaiman Al Kishry, napili nila ang Pilipinas dahil sa world class facility sa New Clark City.
Ito ang kauna unahang sports facility sa bansa na nakakuha ng class one certification mula sa international athletics governing body na World Athletics.
5 sports event ang lalamanin ng ASCc sa Pilipinas: swimming, diving, water polo, synchronized swimming, at open water swimming.
Gaganapin ang 2020 ASC mula Nobyembre 7 hanggang Nobyembre 17 sa susunod na taon sa New Clark City Aquatics Center.