Sumampa sa 33rd place mula sa 57th place noong December 2021 ang Pilipinas sa Tokyo-based news magazine Nikkei Asia COVID-19 recovery rankings.
Batay sa report na inilabas noong Biyernes, nakapagtala ng “best performances” noong nakaraang buwan ang bansa kasama ang Vietnam sa pagpapanatili ng mababang COVID-19 infections habang niluluwagan nito ang mga restriksyon.
Nangunguna naman ngayon ang Pilipinas sa higit 80 bansa, kabilang ang Switzerland na nasa 38th place
Israel-44th place
Japan-53rd place
The United Kingdom-58th place
Canada-60th place,
Australia and Hong Kong na nasa 71st place
New zealand -75th place
Singapore-79th place
United states-89th place at
China na nasa 93rd place
Samantala, ikinalugod ng Department of Health (DOH) ang tagumpay na ito at binigyang papuri ang bida campaign, prevent, detect, isolation, treat, reintegration o PDITR strategy.