Inihayag ng Philippine College of Physicians o PCP na kasalukuyan nang hinaharap ng Pilipinas ang fourth wave ng COVID-19.
Sinabi ni PCP President Dr. Maricar Limpin na kung isasama ang unang outbreak sa bansa noong Abril, maituturing na pang-apat na wave na ang nararanasan ng bansa ngayon.
Binase rin umano niya ang pahayag mula sa isang article kung saan sinasabing nakaranas ng first wave ang bansa noong April 2020.
Habang naranasan naman umano ang pangalawang wave noong Hunyo hanggang Agosto 2020, at ika-3 wave noong Abril 2021.—sa panulat ni Hya Ludivico