Nasa ika-apat na pwesto ang Pilipinas sa mga bansa sa Southeast Asia na may pinakamaraming nabakunahan kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ayon kay Caccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., na may 825,662 indibidwal na ang nakatanggap ng COVID-19 vaccine sa bansa.
Batay sa ulat ni Galvez, nanguna ang Indonesia na may 13.087 milyong dose na binakuna na sinundan ng Singapore, 1.518 milyon; Myanmar, 1.040 milyon; Pilipinas, Malaysia, 801,773; Cambodia, 418,569; at Thailand na may 244, 254.
Samantala, nasungkit ng Pinas ang ika-50 pwesto sa 155 bansa sa pinakamaraming dose na binakunahan laban sa COVID-19. —sa panulat ni John Jude Alabado