Nasa ika-46 na pwesto ang Pilipinas sa kabuuang bilang na 53 bansa pagdating sa pagtugon sa COVID-19 crisis na may bahagyang epekto sa ekonomiya.
Ito’y batay sa bloomberg COVID resilience ranking kung saan sinukat ang 53 malalaking ekonomiya kung ano ang estado nito pagdating sa naitatalang bilang ng kaso COVID-19, mortality rate, healthcare system capacity, epekto ng pagpapatupad ng lockdown, community mobility, GDP growth forecast at mga pakikipagkasunduan hinggil sa suplay ng bakuna.
Ang markang maaaring makuha ay mula 0 hanggang 100 bilang pinakamataas.
Ang Pilipinas ay nakakuha ng 48.9 na score habang nangunguna naman ang New Zealand.