Nakapako pa rin sa ika-anim na puwesto ang Pilipinas sa 29th Southeast Asian Games na ginaganap sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Nasa 45 medalya na ang hawak ng mga atletang Pilipino na binubuo ng 10 gold, 15 silver at 20 bronze.
Kabilang sa mga nag-ambag ng ginto sina Aries Toledo na namayagpag sa 1,500 meter decathlon at Anthony Beram na tinanghal na pinaka-mabilis na atleta sa 200-meter dash na may official time 20.84 seconds.
Dumagit din ng ginto si Brennan Wayne Louie sa fencing maging sina Nikko Bryan Huelgas para sa men’s triathlon at Marion Kim Mangrobang sa women’s triathlon.
Nangunguna pa rin sa medal tally ang host nation Malaysia na mayroong 119 na medalya na binubuo ng 50 gold, 37 silver at 32 bronze.
By Drew Nacino
SMW: RPE