Nasa low risk classification na ng COVID-19 transmission ang Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Duque, nakapagtala ang bansa ng negative two-week growth rate na negative 74% at low-risk average daily attack rate na 5.26 per 100,000 individuals.
Sa kabila nito nasa moderate risk naman ang regions 6, 11, 12 at Cordillera Administrative Region (CAR) habang nasa low risk na rin anya ang intensive care unit utilization (ICU) sa bansa.