Inihayag ng Department of Health (DOH) na nasa “minimal risk” classification na sa COVID-19 ang Pilipinas.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakapagtala ang bansa ng negative 2-week growth rate na -57% at low-risk average daily attack rate na 0.67 kada 100,000 indibidwal.
Bumaba rin aniya ng 397 cases o 42% ngayong linggo, ang average daily-cases sa bansa, mula sa 544 cases kada araw.
Iniulat rin ni Vergeire na ang average cases kada araw, ay siyam na beses na mas mababa kumpara sa naitala noong Hulyo na 4,982 at mas mababa rin sa 1,130 cases kada araw na naitala noong December 27, 2020 hanggang January 2021.
Karamihan din aniya ng mga lugar sa malalaking isla sa bansa at NCR plus ay nag-plateau na ang epidemic curve simula noong Nobyembre gayundin sa iba pang mga lugar sa luzon kung saan walang paggalaw ng mga kaso ng COVID-19 sa nakalipas na linggo. —sa panulat ni Hya Ludivico