Nananatili sa minimal risk case classification sa COVID-19 ang lahat ng rehiyon sa Pilipinas.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), nakapagtala ng negative 2-week growth rate ang bansa sa loob ng nakalipas na dalawang linggo.
Habang nasa low-risk category pa rin ang health system capacity sa lahat ng rehiyon at wala pa sa 1 sa kada 100,000 populasyon ang average daily attack rate (ADAR).
Ayon sa DOH, ang naitalang 299 cases mula December 14 hanggang 20 ay mas mababa kumpara sa 1,130 cases noong December 27 hanggang January 2 na pinakamababang kaso, matapos maitala ang “peak” ng mga kaso noong Agosto ng nakalipas na taon.