Itinuturing na isang hamon ng Department of National Defense ang ulat ng Transparency International na naglalagay sa Pilipinas sa Band C o moderate risk of Corruption sa Defense Integrity Index.
Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, bagaman may mga kailangang linawin sa naturang ulat pero nais nilang gamitin ito para paghusayin pa ang mga mekanismo ng kagawaran para tuluyang supilin ang katiwalian sa sektor ng tanggulang pambansa.
Ang Defense Integrity Index ay sumusukat sa antas ng katiwalian sa Defense Establishment ng iba’t ibang mga bansa kung saan, ang “Band A” category ay nagsasabing nasa low risk of corruption habang ang “Band F” naman ay tumutukoy sa high risk of corruption.
Ang Pilipinas tulad ng Singapore ay nalagay sa “Band C” o moderate risk kaya’t tiwala si Lorenzana na ang mga ipinatupad nilang Defense System of Management, transparency at accountability sa procurement process ay nakatulong ng malaki sa nakuhang rating ng Pilipinas. —sa ulat Jaymark Dagala (Patrol 9)