Ibinida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nasa tamang direksiyon na ang tinatahak ng bansa.
Tugon ito ng pangulo matapos matanong kung paano nito nakikita ang 2024 para sa Pilipinas sa harap na din ng nalalapit na pagtatapos ng taon.
Ayon kay PBBM, umuusad ang bansa subalit kailangan pa talagang mag-double time para maabot at makamit ang minimithi para sa bansa.
Aniya, kabilang sa patuloy na isinasagawang hakbang ng kaniyang administrasyon ay ang modernisasyon sa gitna ng demand na hinihingi ng new economy.
Sinabi pa ng presidente na mahalagang makaposisyon ang pilipinas sa ganitong klaseng set-up sa ginagawang pagpapatakbo ng ekonomiya sa buong mundo. - sa panulat ni Jeraline Doinog