Pasok ang Pilipinas sa top 10 bilang best snorkeling destinations in the world dahil sa snorkeling sp[ots nito sa Palawan, Batangas, Cebu at Bohol.
Ang Pilipinas ay ikapito sa listahan ng Bounce, isang luggage storage company matapos tingnan ang iba’t ibang karagatan ng mga bansa, batay na rin sa ganda ng coral reef areas, bilang ng fish species at snorkeling tours.
Bukod pa ito sa mga factor tulad ng percentage ng global plastic waste emission at sea temperature.
Binigyang diin ng Bounce na malaking bagay ang snorkeling para madiskubre ang mga kakaibang mundo sa ilalim ng dagat na mag iiwan ng lifelong memories.
Ang dagat anito ay isa sa mga pinakamagagandang tanawin sa mundo subalit higit na mas maganda ang pag explore kung ano pa ang nasa ilalim nito tulad ng mga coral reefs at unique animals.
Nangunguna ang Australia sa listahan ng best snorkeling destinations in the world kung saan ikalawa naman ang Maldives at ikatlo ang Amerika at Cuba samantalang pasok din dito ang mga bansang Bahamas, Papua New Guinea, Indonesia, Fiji at Micronesia.