Inaasahang mapalalakas pang lalo ng Pilipinas ang depensa nito sa teritoryo at karagatang sakop ng bansa.
Ito’y makaraang matanggap na ng Philippine Navy ang kauna-unahan nitong spike-ER short range surface-to-surface missiles.
Ayon kay Defense Spokesman Arsenio Andolong, kasalukuyan nang sumasailalim sa integration phase ng rafael advance defense systems ng Israel ang naturang missile system.
Maliban dito, ibinigay na rin ng Israel ang Typhoon MLS-ER launchers at mini typhoon 12.77 millimeters remote controlled weapon systems.
Ilalagay aniya ang mga ito sa tatlong Mark III model ng multi-purpose attack craft o mga barkong pandigma na nasa pangangalaga ng Navy.
—-