Nananatili sa unang puwesto, sa tatlong magkakasunod na taon ang Pilipinas bilang “Riskiest Country” sa buong mundo.
Ito ay ayon sa 2024 World Risk Report na inilabas ng Institute for International Law Of Peace and Armed Conflict, kung saan pinag-aralan ang bawat 193 bansa batay sa exposure nito sa mga kalamidad at vulnerability sa mga matitinding natural disaster.
Nakuha ng Pilipinas ang 39.99 ratings para sa exposure at 55.05 sa vulnerability, dahilan para makuha nito ang average na 46.91.
Pumangalawa ang Indonesia sa mga riskiest countries, habang pangatlo naman ang India.
Noong 2022 ay nanguna rin ang Pilipinas sa nasabing report kung saan nakakuha ito ng 46.83 at 46.85 naman noong 2023.