Hihingi ng paliwanag ang Estados Unidos sa Pilipinas upang linawin ang naging pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagharap nito sa mga opisyal at negosyante ng bansang China.
Ito’y makaraang ihayag ng Pangulong Duterte ang pagkalas ng Pilipinas sa aspetong militar at pang-ekonomiya.
Ayon kay John Kirby, tagapagsalita ng US Department of State, nais nilang makatiyak sa kung ano nga ba ang tunay na pakahulugan ng Pangulo sa kaniyang naging pahayag bilang kilala ito sa pagiging mataling-haga.
Gayunman, muling binigyang diin ni Kirby na mananatiling matibay ang pangako ng Estados Unidos sa usapin ng mutual defense treaty sa Pilipinas at hindi ito magbabago.
Hindi lamang sa pamahalaan magkaugnay ang dalawang bansa kundi maging ang mga mamamamayan ng Pilipinas at Amerika.
By: Jaymark Dagala / Allan Francisco