Hindi pa rin natatanggal ang Pilipinas sa listahan ng mga pinakamalalang bansa pagdating sa ‘unsolved killings’ ng mga mamamahayag batay sa Committee to Protect Journalists (CPJ) Global impunity index 2021.
Base sa ulat ng CPJ, pang-7 ang Pilipinas mula sa 12 bansa, na may hindi bababa sa 13 unsolved killings ng mga mamamahayag sa loob ng isang dekada.
Nanguna naman sa listahan ang Somalia na may 24 unsolved murders, na sinundan ng Syria, Iraq, South Sudan, Afghanistan, at Mexico, base sa ulat mula September 1, 2011 hanggang August 31, 2021.
Inihayag ni Undersecretary Joel Sy Egco, executive director ng Task Force on Media Security, sa kauna-unahang pagkakataon ay walang partikular na report ang CPJ sa Pilipinas.
Dahil anya ito sa pakikipag-ugnayan ng gobyerno sa international bodies tulad ng CPJ, reporters without borders. —sa panulat ni Drew Nacino