Pang-apat ang Pilipinas sa buong mundo sa “Zero Dose“ o mga hindi nabakunahang mga bata.
Ito ang sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa, sa harap ng outbreak ng sakit na Pertussis o Whooping cough na ikinamatay ng ilang mga bata.
Ayon kay Herbosa, maraming mga bata ang hindi nabakunahan dahil sa nagdaang COVID pandemic at nakadagdag sa agam-agam na magpabakuna ang mga maling impormasyon na lumalabas sa social media at paglaban ng pseudoscience.
Pangamba ng doh na matindi ang naging pagdududa ng publiko sa bakuna dahil sa COVID, kaya pati mga bakuna sa tigdas, diphtheria, pertussis at tetanus ay pinagdudahan na mayroong negatibong side effects.- sa panunulat ni Jeraline Doinog