Nasa ika-apat na pwesto ang Pilipinas sa may pinakamataas na vaccination rate sa buong mundo.
Ito ang kinumpirma ng National Task Force (NTF) Against COVID-19.
Batay sa global monitoring website ng our world in data, nanguna ang bansang China na may daily jab rate na 22 milyong dose.
Sinundan naman nito ng India na may 10 milyong dose at United States na may 3.4 na milyong dose.
Sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr, kung nuong mga nakaraang araw ay umabot lamang ng libo libo ang nababakunahan, ngayon ay nagawa nang paabutin ng halos tatlong milyon ang naturukan ng bakuna kontra COVID-19.
Samantala, umabot sa mahigit pitong milyon ang nabakunahan sa isinagawang “bayanihan, bakunahan” nuong November 29 hanggang December 1.