Nananatili ang Pilipinas sa mga bansa sa mundo na pinakadelikado sa mga mamamahayag.
Ito ay batay sa inilabas na ulat ng Committee to Protect Journalists’ 2017 Global Impunity Index na may titulong Getting Away with Murder.
Bahagyang bumaba ang puwesto ng Pilipinas mula sa rank 4 noong 2016 ay nakuha nito ang rank 5 ngayong taon.
Binanggit sa ulat na pagbuo ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Presidential Task Force on Media Security para tumutok sa mga kaso ng media killings.
Bagama’t nagsimula na umanong imbestigasyon ng naturang task force ay wala pa namang napaparusahan sa mga salarin.
Wala rin umanong naging paggalaw sa kaso ng Maguindanao massacre kung saan nasawi ang 32 mga hournalist at media workers at tinukoy pa na pinawalang sala ng korte ang tatlo sa mga suspek habang pinagbigyan naman na makapagpiyansa ang principal suspect na si Datu Sajid Ampatuan.
Nanguna naman sa naturang listahan ang Somalia na sinundan ng Syria, Iraq at South Sudan.
Ihinahanay sa naturang listahan ang mga bansang mayroong pinakamaraming hindi nareresolbang kaso ng pagpatay sa mga media practitioner habang ang mga suspek ay hindi napapanagot at nanatiling malaya.
Presidential Task Force on Media Security
Unti-unti nang nakakaalpas ang Pilipinas sa talaan ng mga bansa na pinakadelikado para sa mga mamamahayag.
Ayon kay Joel Egco ng Presidential Task Force on Media Security, tuloy-tuloy ang kanilang pagtatrabaho para matanggal ang masamang impresyon sa Pilipinas pagdating sa kaligtasan ng mga mamamahayag.
Ipinaliwanag ni Egco na bagamat kasama pa rin sa top 5 ang Pilipinas sa Global Impunity Index ng Committee to Protect Journalist, mapapansin na pang-lima na lamang ito mula sa dating pumapangalawa sa talaan.
Sinabi ni Egco na hindi pa kasama sa isinagawang survey o pag-aaral ang mga nagawa nang hakbang ng task force dahil ginagawa ang survey kada 10 taon.
(Ratsada Balita Interview)