Isa ang Pilipinas sa mga bansang pinakabantad sa terorismo ayon sa pag-aaral ng Institute for Economics and Peace’s Global Terrorism Index for 2014.
Nasa ika-siyam na ranggo ang Pilipinas mula sa 162 mga bansa na nakahanay sa nasabing listahan.
Sa kabila nito, pumang-lima naman ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamalaking pinagbago sa pagbaba ng bilang ng mga nasawi na may kaugnayan sa terorismo noong isang taon.
Noong isang taon kasi, bumaba sa 18 porysento o katumbas ng 240 bilang ng mga nasawi kumpara sa 291 na naitala naman noong 2013.
Gayunman, naitala pa ring pangalawang pinakamataas ang bilang ng mga nasawi dahil sa terorismo noong isang taon.
By Jaymark Dagala