Pumangalawa ang Pilipinas sa mayroong pinaka-maraming bansot sa Asya, bunsod ng malnutrisyon.
Ito ang iniulat ng Department of Social Welfare and Development kay Pangulong Ferdinand Marcos Junior sa regular sectoral meeting sa palasyo.
Ayon sa DSWD, nangunguna sa pinakamaraming batang bansot ang Indonesia.
Dagdag pa ng departamento, natigil ang pagtugon sa malnutrisyon sa mga batang edad lima pababa, kaya kanilang iminungkahi kay Pangulong Marcos na magbigay ng incentive o tulong na P400 o P13 kada araw sa mga buntis o sa mga bagong silang na sanggol hanggang dalawang taon ang edad sa loob ng isang taon.
Tiniyak naman ng DSWD na naghahanap na sila ng iba’t ibang solusyon kasama ang Department of Health para malutas ang problema sa pagkabansot sa pamamagitan ng mga umiiral na mga programang panlipunan. – sa panunulat ni Charles Laureta