Nakapagtala ang Pilipinas ng 279 bagong nahawa sa Covid-19 kahapon.
Ayon sa Department of Health (DOH), pangalawang araw na itong hindi lumalagpas sa 400, matapos maitala ang 368 bagong nahawa sa virus noong Sabado.
Dahil sa bagong kaso, umaabot na ngayon sa 4,070,287 ang total nationwide caseload sa bansa.
Mula rito, 12,143 ang aktibo, mababa kumpara noong Sabado na nasa 12,473.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming kaso sa loob ng dalawang linggo ang NCR, sinundan ng CALABARZON at Central Luzon.
Maliban sa bagong kaso, umaabot na ngayon sa 3,992,554 ang mga gumaling, habang 65,590 ang mga nasawi sa bansa dahil sa Covid-19.