Kabilang ang Pilipinas sa mga bansa kung saan may pinakamataas na naitatalang insidente ng pag-atake ng mga terorista.
Ito ay batay sa ulat ng US State Department, kung saan nangunguna ang Iraq na sinundan ng Afghanistan, India, Pakistan at puma-panglima ang Pilipinas.
Karamihan naman sa mga naitatalang bilang ng mga nasasawi dahil sa terrorist attack ay sa mga bansang Iraq, Afghanistan, Syria, Nigeria at Pakistan.
Ayon rin sa US State Department, bumaba ng siyam (9) na porsyento ang kabuuang bilang ng mga pag-atake ng mga terorista noong nakaraang taon kumpara noong 2015.
Habang labing tatlong (13) prosyento naman ang ibinaba sa bilang mga nasawi sanhi ng mga pag-atake.
Samantala, naiulat naman ang Islamic State o ISIS bilang deadliest terrorist group kung saan dalawampung (20) porsyento ng mga naitalang terror attack ang kanilang isinagawa noong nakaraang taon.
By Krista de Dios
Pilipinas panlima sa may pinakamataas na insidente ng terrorist attacks was last modified: July 20th, 2017 by DWIZ 882