Ikinalugod ng Malakaniyang ang pagkakahalal ng Pilipinas bilang bagong miyembro ng United Nations Human Rights Council.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na patunay ito nang pagtukoy sa Pilipinas bilang bansang kumikilala at gumagalang sa karapatang pantao.
Kasamang nahalal ng Pilipinas ang Bahrain, Cameroon, Somalia, Bangladesh at Eritrea.
Ang nasabing halalan ay isinagawa sa head office ng United Nations sa New York kung saan pinangunahan ni UN Premanent Representative at Incoming Foreign Affairs Secretary Teodoro Teddy Boy Locsin Jr. ang delegasyon ng bansa.
Naniniwala ang Palasyo na kinikilala na maging ng United Nations ang drug war ng pamahalaan matapos aminin ni UN Sec-Gen Antonio Gutteres na ang iligal na droga ay hindi lamang problema sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.
Ayon kay Chief Legal Counsel at Bagong Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, patunay lamang ang naging pahayag ni Gutteres na nasa tamang direksyon ang war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Giit ni Panelo, dahil sa global problem na ang iligal na droga, dapat lamang na tularan na ng mga dayuhang bansa ang mga ginagawang hakbang ng administrasyon laban dito.
Sa ngayon aniya, tuloy-tuloy ang mga isinasagawang komperensya ng iba’t ibang mga bansa upang makabuo ng mga panuntunan na magbibigay proteksyon sa mga kabataan laban sa iligal na droga at kriminalidad.
(Jopel Pelenio)