Umakyat sa ika-24th na puwesto ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang mainam na tirahan o mamuhay at magtrabaho kasunod ng Estados Unidos na nasa ika-23RD puwesto.
Batay ito sa 2019 HSBC Expat’s Annual Survey na itinampok sa isang artikulo ng Forbes kung saan umakyat ng dalawang puwesto ang Pilipinas mula sa ika-26TH noong nakaraang taon.
Ayon sa Forbes, isinagawa ang survey sa 18,000 mga expats sa 163 mga lugar sa buong mundo.
Anila, tatlong sukatan ang ginamit sa survey na kinabibilangan ng kabuhayan, oportunidad sa career o trabaho at buhay pamilya.
Batay sa article ng Forbes, maituturing na kagulat-gulat ang pag-angat ng Pilipinas sa listahan lalo’t batid sa buong mundo na maraming Pilipino ang nagtatrabaho at mas gustong manirahan sa ibang bansa at usapin ng kampanya kontra iligal na droga.
Gayunman, tinukoy anila ng mga expats ang madaling paglipat sa Pilipinas dahil sa mga palakaibigang mga Pilipino, makutwirang cost of living sa bansa at matatag na ekonomiya.