Nananatili pa rin ang Pilipinas na kabilang sa listahan ng “10 Worst Countries” para sa mga manggagawa para sa taong 2019.
Ito ay batay sa global workers’ rights index ng Trade Union Confederation kung saan sinasabing dahil ito sa patuloy na nararanasang karahasan ng mga miyembro ng unyon.
Kabilang dito ang pagpatay sa siyam na magsasaka na nagsagawa ng kilos protesta sa Sagay City, Negros Occidental noong 2018.
Dahil dito, naalarma ang Commission on Human Rights dahil lumalabas anila na nalalabag ang karapatan ng mga manggagawa na magprotesta at magkaroon ng unyon.
Ngunit depensa naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III, isa lamang black propaganda ang naturang ulat ng grupo.
Magugunitang noong nakaraang taon ay kabilang din ang Pilipinas sa nasabing listahan.