Pasok ang Pilipinas sa ika-animnapung pwesto ng 2022 World Happines Report.
Umakyat ang Pilipinas sa 60th place matapos umani ng 5.880 points ang bansa ngayong taon mula sa 61st place kung saan nakakuha ng 6.006 points noong 2020.
Pumangalawa naman ang bansa sa pinaka-masayahin sa South East Asia, kasunod ng Singapore.
Samantala, nanguna sa world ranking ng Happines Report ang Finland, na sinundan ng kapwa Scandinavian Nation na Denmark, Switzerland;
Iceland, Netherlands, Norway, Sweden, Luxembourg, New Zealand at Austria.