Ipinalabas na ng United Nations ang listahan ng mga bansang tinatarget ang mga nagtatanggol at nagsusulong nang pagkilala sa karapatang pantao.
Pasok ang Pilipinas, China at Russia sa tinawag ng UN na shameful countries na kinabibilangan ng 38 bansa.
Nakasaad sa taunang report na inilabas ni UN Secretary General Antonio Guterres ang mga bansang kasama sa listahan na hindi maganda ang pagtrato, nagsasagawa ng surveillance, krimen at public stigmatization campaigns laban sa mga human rights defenders.
Ayon sa UN, maituturing na shameful practice ang ginagawa ng mga bansa na pinarurusahan ang mga indibiduwal na nagsusulong sa karapatang pantao.
Sa naturang bilang, siyam na bansa ang dati nang nasa listahan ng UN samantalang 29 na bansa kasama ang Pilipinas ang bago sa listahan.
—-