Pasok ang Pilipinas sa top economic performers sa rehiyon sa mga nakalipas na taon.
Ito ayon sa IMF o International Monetary Fund ay dahil sa maayos na mga polisiya at repormang ipinatutupad ng gobyerno ng Pilipinas.
Batay na rin sa pagbusisi nila sa estado ng ekonomiya ng bansa mula July 11 hanggang 25.
Dahil dito, napanatili ng IMF ang 6.7 percent economic growth forecast sa Pilipinas para sa taong ito.
Binigyang diin ni IMF Asia and Pacific Division Chief Luis Breuer na makikinabang ang ekonomiya ng Pilipinas mula sa consumer spending at investment sa pagpalo ng 6.7% ng GDP o Gross Domestic Product.
Ipinaalala naman ni Breuer na may posibleng negatibong epekto ang pag unlad ng eckonomiya tulad nang patuloy na pagtaas ng inflation rate na pumalo ng 5.2% noong Hunyo na siyang pinakamabilis sa loob ng limang taon.