Ipinatawag ng European Union (EU) ang kinatawan ng Pilipinas sa EU.
Sa imbitasyong ipinadala ng European External Action Service kay Chargé d’affaires Allan Deniega, humihingi sila ng paliwanag sa anila’y hindi katanggap-tanggap na komento ng Pangulong Rodrigo Duterte laban sa EU.
Una rito, sinabi ng Pangulong Duterte na uunahin niyang bitayin ang mga taga-EU dahil sa anya’y tila pagtatangkang ibagsak ang Pilipinas.
Matatandaan na nagbanta ang EU na i-atras ang zero tariff na ibinibigay sa mga produkto ng Pilipinas kung hindi matitigil ang madugong kampanya laban sa droga at binatikos rin nito ang pagpapanumbalik sa parusang kamatayan sa bansa.
By Len Aguirre