Pinaigting pa ng Pilipinas ang ugnayan sa bansang Malaysia at United Arab Emirates (UAE) sa 77th United Nations General Assembly sa New York, Amerika.
Kasunod nito ang pakikipagpulong ni Foreign Affairs Secretary Enrique manalo sa mga counterpart na sina Malaysian Minister of Foreign Affairs Dato, SRI Saifuddin, Bin Adbdullah at Minister of Foreign Affairs and International Coorperation mula sa UAE na si His Highness Sheikh Abdullah , Bin Zayed , Al Nahyan.
Tinalakay nina Manalo at Abdullah ang pagpapalakas ng digital economy, pagpapatatag ng trading relations, pagkilala sa naging papel ng Malaysia sa peace process sa Mindanao at inaasahang mabungang talakayan sa asean summit sa Cambodia sa Nobyembre.
Samantala, tinalakay naman nila Manalo at Al Nahyan kung paano pa mapapabuti ang umiiral na ugnayan ng dalawang bansa sa aspeto ng turismo, labor relations, trade and investment at agrikultura. - sa panunulat ni Jenn Patrolla