Halos kalahating porsyento ng populasyon ng Pilipinas ang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo na naganap lamang sa loob ng isang dekada.
Ito ang lumabas sa pag-aaral na ginawa ng Asian Development Bank (ADB) at Internal Displacement Monitoring Centre (IDMC).
Sa pag-aaral na pinamagatang “Disaster Displacement in Asia and the Pacific: A Business Case for Investment in Prevention and Solutions,” nakasaad na 49.3% ng mga Pilipino ang naapektuhan ng bagyo mula 2010 hanggang 2021.
Mas malaki ito sa naging tala sa Central at West Asia at kung isasama pa ang Pacific.
Ang Typhoon Haiyan o bagyong Yolanda noong 2013 ang pinakamalakas na bagyo na tumama sa Pilipinas, na nakaapekto sa 5.1 milyong indibidwal hindi lamang sa bansa kundi maging sa Palau, China at Vietnam.
Maliban sa haiyan, malaki rin ang naging epekto sa Pilipinas ng Typhoon Rai o bagyong Odette na naganap noong 2021.