Nahuhuli ang mga Pilipinong estudyanteng nasa ika-apat na baitang pagdating sa math at science subject.
Ito ay batay sa Trends in International Mathematics and Science Study (TIMSS) 2019 mula sa international association for the evaluation of educational achievement (IEA).
Nakakuha ang Pilipinas ng pinakamababang average scale score sa 58 bansang lumahok sa nakaraang TIMSS.
Lumabas na pagdating sa math, 297 lang ang nakuha ng mga Pilipino, ito ay halos kalahati ng nakuha ng Singapore na 625 na nangunguna sa listahan.
Nakakuha naman ng 249 ang mga Pilipino grade 4 students sa science habang 598 ang sa Singapore.
Ginawa rin sa grade ang nasabing assessment ngunit hindi na ito sinalihan ng Pilipinas.