Nangunguna ang Pilipinas sa mga bansang pinakamapanganib sa mga katutubo at tagapagtanggol ng kalikasan.
Batay ito sa pag-aaral ng British-based Global Witness kung saan sa 19 na bansa, Pilipinas ang may pinakamaraming kaso ng mga napapatay na magsasaka at mga nakikipaglaban para sa kanilang lupain.
Ayon sa grupo, noong nakalipas na taon ay umabot sa 164 na magsasaka ang napatay sa iba’t ibang bansa.
Sinabi ni global witness campaigner Alice Harrison na marami sa mga nasawi ay mga nagtatanggol sa kanilang lupain laban sa mga landowners at mga negosyante.
Bukod sa Pilipinas na may 30 insidente ng pagkamatay, kasama rin sa listahan ang Colombia – 24 na patay; India – 23 at Guatemala – 16.